-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Humingi ng paumanhin ang pulisya matapos magkamali sa kanilang nai-post na info-graphics sa kanilang social media account.
Ito’y matapos inamin mismo ni Malabalay City Police Station chief of police Lt. Col. Jerry Tambis na nagkamali sila sa kanilang social media posting kung saan napagkamalan nilang mga supporters ng terorista ang mga taga-hanga ng TV network na ABS CBN.
Makikita kasi sa mga larawan ang hawak-hawak na art card ng mga supporters kung saan kanilang ipinapanawagan ang pag-renew ng prangkisa ng TV network.
Sinabi ng opisyal na hindi nila intensyon na sirain ang tv network kung kaya’t humingi sila nang paumanhin sa naggawa nilang kapabayaan.