-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY- Magbibigay ng P6 million ang probinsya ng Bukidnon para sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ito ay matapos na personal na nakita ni Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri ang aktuwal na sitwasyon ng mga internally displaced persons sa Batangas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Hanzel Echavez, tagapagsalita ng provincial government ng probinsya, ang halaga na kanilang ibibigay para sa mga Taal Volcano ay manggagaling sa local government units officials.