Wala raw dapat ipangamba ang publiko sa mataas na kaso ng nakapitan ng tuberculosis o TB sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag ang napaulat na 200 kaso ng pulmonary tuberculosis cases sa NBP ay usual na bilang ng TB cases sa loob ng pasilidad.
Nilinaw din ni Chaclag na walang outbreak ng naturang sakit sa national penitentiary at sinabing at nakokontrol naman daw ang kaso ng TB kahit noong kasagsagan ng mataas na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng piitan.
Paliwanag niya mataas naman daw ang cure rate ng naturang sakit, ibig sabihin na kapag mayroong mga nagpositibo ay marami rin ang gumaling.
Una rito, lumabas ang mga ulat na 200 mula sa 208,000 na persons deprived of liberty (PDLs) sa loob ng pambansang piitan ang nag-diagnose na may TB.
Kinumpirma naman ito ni Dr. Henry Fabro ng BuCor Health Services.
Ang lahat daw ng may TB ay nasa isolation na rin at sumasaillalim sa medical treatment.
Kasunod naman ng naturang insindente, magsasagawa na ang BuCor ng mass screening ng mga inmates para maiwasang kumalat ang virus.