-- Advertisements --
image 343

Nagpasaklolo ang Bureau of Corrcetions (BuCor) sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para imbestigahan ang bank accounts ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Q. Bantag at miyembro ng kaniyang pamilya kaugnay sa umano’y iregularidad sa P900 million contruction projects ng Bureau.

Kabilang sa mga proyektong ito ng BuCor ang pagtatayo ng prison facilities sa may Palawan, Davao del Norte at sa Mandaluyong city.

Una ng sinabi ni Acting BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na kanilang inihahanda na ang paghahain ng plunder complaint laban kay Bantag.

Ayon pa kay Catapang, magpupulong sila ng AMLAC at kokonsulta kaugnay sa paghahain ng complaint dahil mayroon na aniya silang hawak na ebidensiya kung saan ang P300 million ay nailabas na kahit na hindi pa natatapos ang naturang proyekto.

Una ng ibinunyag ni Catapang na tanging 60% pa lamang ang natapos subalit idineklara umano ng mga tauhan ni Bantag na nasa 95% ng proyekto ang nakumpleto na.

Inaasahan na sa araw ng Biyernes o mas maaga sa susunod na linggo ay maihahain na ang plunder complaint.