-- Advertisements --

Inirerespeto umano ng Bureau of Corrections (BuCor) ang naging hakbang ng National Bureau of Investigation (NBI) ukol sa paghahain ng kasong murder laban sa ilang tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa pagkamatay ng ilang high profile inmates.

Matatandaang kinasuhan ang 22 tauhan ng NCRPO dahil sa ilang kwestiyon sa pagkasawi ng naturang mga bilanggo.

Mula noong Mayo hanggang Hulyo ng taong 2022, nasa 8 high-profile na mga bilanggo ang namatay sa Bilibid kabilang dito ang convicted drug lord na si Amin Borating, Jaybee Sebastian at ilang Chineses drug lords.

Ayon kay NBI Director Eric Distor, kanilang isusunod na ipe-presenta ang mga ebidensiya at ipapaubaya sa prosecutors ang pag-uusig dito.

Bagamat inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor) na namatay ang nasabing mga bilanggo dahil sa COVID-19.

Subalit nadiskubre ng NBI Death Investigation Team na ang mayroong criminal intent sa pagkamatay ng mga high-profile inmates.

Giit ni NBI spokesperson and deputy director Ferdinand Lavin na base sa agents ng Death Investigation Division, mayroon aniyang sistema o pamamaraan para palabasin na namatay ang mga bilanggo sa COVID-19 para pagtakpan ang totoong dahilan ng kamatayan ng mga ito.

Sinabi rin ng Bureau na mayroon silang nakalap na testimonya mula sa ilang testigo at inconsistent records mula sa BuCor, NCRPO, at NBP hospital.

Gayunpaman, iginiit ni BuCor spokesman Gabriel Chaclag na nasunod ang mga proseso para sa mga nasawi, alinsunod sa COVID-19 health protocols.