-- Advertisements --
Inamin ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na hindi pa tuluyang malinis sa iligal na droga ang New Bilibid Prison.
Sinabi nito na maraming mga opisyal ng BuCor ang nakakaalam sa iba’t-ibang modus kung paano nailulusot ang mga iligal na droga.
Ilan sa mga dito ay ang paglalagay ng droga sa kalapati ganun din paglalagay sa loob ng kondom na ilalagay sa ari ng mga babaeng bumibisita.
Gumagawa aniya ito ng mga paraan para mahigpitan ang NBP at tuluyang mabura ang mga iligal na aktibidad sa NBP.
Magugunitang noong nakaraang mga araw ay nasa mahigit 3,000 mga kubol ang sinira nila na pinamumugaran ng mga iligal na aktibidad.