-- Advertisements --
Pasok na sa NBA playoffs ang Milwaukee Bucks.
Kasunod ito sa panalo nila kontra sa Phoenix Suns 116-104.
Bumida sa panalo si Giannis Antetokounmpo na nagtala ng 36 points at 11 rebounds na mayroong walong assists.
Dahil dito ay sila ang unang koponan ngayong season na makapasok sa playoffs.
Nanguna na ang Bucks sa Eastern Conference na mayroong 50 panalo at 19 na talo.