-- Advertisements --

Nakuha na ng defending champion na Milwaukee Bucks ang ikalawang pwesto sa NBA Eastern Conference standings matapos na talunin kanina ang karibal na Boston Celtics, 127-121.

Nagsama ng pwersa sina Giannis Antetokounmpo at Jrue Holiday kung saan umiskor sila ng tig-29 points upang iposte ang ika-50 nilang panalo.

Nalusutan ng Bucks ang triple double performance ni Jaylen Brown para sa Boston na may 22 points, 11 assists, at rebounds.

Dahil sa panalo ng Bucks na target na maibulsa ang back to back championships, nalampasan din nito sa standings para sa playoffs ang Philadelphia Sixers.