-- Advertisements --

Hindi makakasama ng Milwaukee Bucks ang kanilang star player na si Giannis Antetokounmpo sa Game 5 Eastern Conference nila ng Atlanta Hawks.

Natamo nito ang injury sa Game 4 kung saan tabla sa all 2 ang best of seven games nila.

Isang magandang balita lamang ay hindi gaano matindi ang pinsala sa kaniyang tuhod at ligaments ng tinaguriang best player ng Bucks.

Magugunitang hindi naging maganda ang pagkalapag ng kaniyang kaliwang paa ng Bucks star player ng ito ay makipagsabayan sa rebound.