-- Advertisements --

Wala pang katiyakan kung kailang makakabalik sa paglalaro si Milwaukee Bucks center Brook Lopez.

Sumailalim kasi sa operasyon sa kaniyang likod si Lopez.

Ayon sa Bucks na patuloy ang kaniyang paggaling at kapag mayroon ng go-signal ang kaniyang doctor ay kanila na ito ng papayagang maglaro.

Mula kasi noong simula ng bagong season ng NBA ay hindi na nakapaglaro pa si Lopez.

Dahil dito ay kinuha Bucks ang beteranong center na si DeMarcus Cousins bilang hahalili kay Lopez.

Ang 31-anyos na si Marcus ay naglaro na sa mga koponan gaya ng Golden State Warriors, Los Angeles Lakers, LA Clippers at Houston Rockets.