Bumawi sa kanilang worst game ang Milwaukee Bucks upang tambakan ang Indiana Pacers, 119-100.

Sa pagkakataong ito hindi na hinayaan ni NBA All-Star team captain Giannis Antetokounmpo na makawala pa ang panalo nang magbuhos sya ng 29 points, 12 rebounds at six assists.

Kung maaalala nitong nakalipas na araw ay inilampaso sila ng Miami Heat, 105-89.

Pero ang koponan ay hindi pa nakaranas ng dalawang magkasunod na talo ngayong season.

Sa ngayon hawak na ng NBA leading team na Bucks ang 53-9 record.

Samantala, kaabang abang ang sunod na harapan nila sa Sabado sa top team naman sa Western Conference na Lakers.