-- Advertisements --

Ikinagalak ni Sen. Bong Go ang pag-atas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na bumuo ng task force na magsasagawa ng imbestigasyon sa napabalitang korupsyon at anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Magugunitang mismong si Sen. Go rin ang nagrekomenda kay Pangulong Duterte ang pagbuo ng task force para matuldukan na ang matagal ng korupsyon sa government corporation.

Sinabi ni Sen. Go, sa paglabas ng kautusan ngayong araw, inaasahang gagawin ng task force ang lahat para matapos na ang mga problema sa PhilHealth.

Ayon kay Sen. Go, bibigyang-diin nito ang problema sa kabuuan ng organisasyon, sa loob at baba ng ahensya na sanhi ng tinatawag na “deeply rooted and systemic corruption.”

Bilang chairman umano ng Senate Committee on Health, hinihikayat nito ang lahat ng ahensya ng gobyerno tumulong at suportahan ang trabaho ng task force.

“With more teeth, we expect this Task Force to discharge its key mandates without fear or favor and with greater haste. These mandates shall include the authority to initiate thorough investigation, conduct audit and lifestyle checks, recommend suspensions, prosecute and file cases, and ensure that those accountable be put in jail,” ani Sen. Go.