-- Advertisements --

Tinapos na ni BTS member Suga ang kaniyang mga solo world tour dahil sa pagpasok niya ng mandatory military enlistment.

Sa kaniyang ikatlong araw ng solo concert na “D-Day The Final” sa Seoul ay dinaluhan ito ng ilang libong mga fans ng grupo.

Isinagawa nito ang concert sa loob ng halos limang buwan na nagsimula sa US noong Abril.

Mula pa noong 2016 ay nakapaglabas na ito ng tatlong full-length solo album.