-- Advertisements --

Nakatakdang simulan na ni BTS member na si Suga ang kaniyang mandatory military service sa Setyembre 22.

Kinumpirma ito ng music label na Big Hit Music sa pagpasok ng Korean rapper.

Dagdag pa nila na mula ng magsimula ang enlistment ay hindi na magkakaroon pa ng ibang event ang rapper.

Nanawagan na lamang sila sa mga fans na huwag ng bisitahin ang singer habang ito ay nasa military training.

Si Suga na ang pangatlong BTS member na sumailalim sa mandatory military service na una ay sina Jin noong Disyembre at si J-Hope nitong Mayo lamang.