-- Advertisements --
Nagbigay ng update sa kanilang fans si BTS member RM habang ito ay nasa military enlistment.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan na kasama ang BTS member na si Taehyung o “V”.
May caption ito na nabigyan sila ng military award.
Ilan sa mga nagsabi na nagtapos ang dalawa mula sa kanilang basic military training at nakatanggap ng ilang pagkilala.
Ang nasabing mga pagkilala ay ibinibigay kapag naabot ang ilang criteria gaya ng pagtakbo sa 1.5 kilometer sa loob ng limang minuto at 28 segundo; 3km sa loob ng 12 minuto at 30 segundo; 86 sit-ups sa loob ng dalawang minuto; 72 push-ups sa loob ng dalawang minuto at pagtama ng 16 sa 20 target.