-- Advertisements --
Sinorpresa ni BTS member J-Hope ang kaniyang mga fans habang ito ay nasa loob ng military training.
Sa social media account nito ay nagpost ito ng video na may habang 48 segundo.
Makikita sa video ang pagsayaw niya sa bagong kanta niya na “Hope on the Street”.
Kinuha ang video sa isang pop-up store sa Seoul kung saan nakasuot na military uniform pa ito.
Magugunitang noong Marso ay inilabas niya ang kaniyang kantang “Neuron” kasabay ng kaniyang bagong solo album na “Hope in the Street Vol. 1”.