Inimbitahan ni US President Joe Biden sa White House ang K-pop stars na BTS sa susunod na linggo.
Ayon sa White House ang nasabing pagbisita ng grupo ay bahagi ng serye ng pagdiriwang ng Asian-Americans relations.
Kabilang din dito ang pagtalakay sa pagkondina sa mga nagananap na racial discrimination.
Tumaas kasi ang anti-Asian sentiments at violence sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Gaganapin ang paghaharap ng US President at ang grupo sa darating na Mayo 31.
Mula kasi na maupo sa puwesto si Biden noong 2020 ay patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga batang celebrities at social media influencers.
Ilan sa mga nakaharap na ni Biden ay sin Filipino-American pop singer Olivia Rodrigo at ang grupong Jonas Brothers na sila ang nagpromote ng COVID-19 vaccinations.