-- Advertisements --

Nakatakdang kantahin ng K-pop group na BTS ang bagong kanta nilang “Butter” sa Billboard Music Award (BBMA).

Ito na ang apat na sunod na taon na magpe-perform ang grupo na gaganapin sa Mayo 23 .

Ang nasabing performance ay isasagawa matapos ang dalawang araw sa paglabas nila ng nasabing kanta sa Mayo 21.

Noong nakaraang taon ay kinanta nila ang hit nilang “Dynamite” sa Incheon International Airport sa halip na dumalo sa ceremony dahil sa kasagsagan ng pandemic.