-- Advertisements --

Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na maabot nila ang kanilang Digital Payments Transformation Roadmap (DPTR) targets pagsapit ng taong 2023.

Sa ilalim ng DPTR, ang hangad ng central bank na gawing digital na ang nasa 50 percent ng retail payments volume at mahikayat ang 70 percent ng Pilipino sa formal financial system sa pamamagitan ng payment o transaction account sa susunod na dalawang taon.

Pagdating sa volume, sinabi ng BSP na ang share ng digital payments sa total financial transactions ay umabot sa 20.1 percent noong 2020 mula sa 14 percent noong 2019 at tanging 1 percent lamang noon namang 2013.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ngayong mas maraming Pilipino na ang pumapasok sa digital payments, inaasahan nilang magkakaroon ng “phenomenal growth” sa digital financial transactions na magpapatuloy pa sa mga susunod pang mga taon,

Samantala, ang registered e-money accounts naman ay pumalo na sa 13.8 million noong nakaraang taon ay pumalo sa 138.8 million na mayroong total number of transactions na 1.7 billion.

Samantala, ang bilang naman ng basic deposit accounts ay umabot na sa 7 million na mayroong P4.8 billion deposits sa first quarter lamang ng 2021.

Kaya naman, sinabi ng BSP na ang proportion ng tinatawag nilang “banked” Filipino adults ay umabot na sa 53 percent sa first quarter ng 2021, malapit na sa target na 70 percent.