-- Advertisements --

Tiniyak ng Bangko Sentral ns Pilipinas (BSP) na kanilang poprotektahan ang interest ng publiko.

Kasunod ito sa krisis na kinakaharap ng mga bangko sa US at Europa.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni BSP Governor Felipe Medalla sa ginawang pulong ng Bank Marketing Association of the Philippines (BMAP) na binubuo ng 46 member banks and associate.

Patuloy din aniya ang ginagawa nilang pagbabantay sa galaw ng mga bangko sa ibang bansa at nagsasagawa aniya sila ng mga information drive sa mga bangko kung paano maiwasan ang naranasan sa ibang bansa.