Naglunsad pa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng karagdagang coin deposit machines sa mga malalaking mall sa Metro Manila.
Batay sa datus ng Banko Sentral, mayroon nang 19 coin deposit machines ang nailagay nito na karamihan ay sa Metro Manila at ilan ay sa mga karatig-probinsya.
Nauna na ring nakipag-partner ang Bangko Sentral sa mga malalaking mall sa bansa upang makapaglagay ng mga naturang makina.
Ayon sa BSP, plano nitong makapaglagay ng hanggang 25 machine ngayong taon, at pagkatapos nito ay tska magsasagawa ng assesment upang tukuyin kung kailangan pang palawakin ang naturang programa.
Nais kasi ng BSP na ma-accommodate ang mas marami pang mga mamamayan na mag-deposito ng kanilang mga iniipon o itinatagong mga barya.
Mula nang ilunsad ng BSP ang naturang proyekto, nakapag-rehistro na ito ng hanggang 20,000 transaction na may kabuuang P87.4 million na halaga.
Kabilang sa mga tinatanggap ng mga naturang makinarya ay ang mga baryang sentimo, piso, limang piso, sampung piso, at P20 coin.
Ayon sa BSP, ang Pilipinas ang isa sa mga unang bansa sa Southeast Asia na nag-implementa sa naturang proyekto.