-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sa over-the-counter transactions pa lang maaaring makuha ang bagong P1,000 polymer banknotes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Sarah Severina Curtis, Deputy Director ng Banknotes and Securities Production Management Department ng BSP, sinabi nito na hindi pa maaaring ma-withdraw sa mga Automated teller machines ang P1,000 polymer banknotes dahil kailangan pa ng magsagawa ng recalibration sa mga ATMs.

Ayon kay Curtis, sampung milyong piraso ng P1,000 polymer banknotes ang nilabas ng BSP sa mga bangko sa buong bansa.

Sa susunod na taon anya, kabuusang 500 million na piraso ng polymer banknotes ang ilalabas.

Napag-alaman na sa bagong disenyo ng pera, pinalitan ng imahe ng Philippine eagle ang mukha ng Philippine heroes na sina Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim at Jose Abad Santos.

Anya, mas secure at mas environment friendly ang polymer material na ginamit sa paggawa ng pera.

Una nang nilinaw ng Malacañang na mananatili sa sirkulasyon at hindi idi-demonetize ang P1,000 bill na may mukha ng tatlong bayaning Pilipino.