-- Advertisements --

Ipinanatili ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa tatlong porsyento ang monthly ceiling na sinisingil sa mga unpaid credit card outstanding balance.

Ang nasabing halaga rin ay maaring ipatupad sa mga installment loans.

Habang ang maximum processing fee sa availment ng credit card cash advance ay mananatili sa P200 per transactions.

Hindi naman tiyak pa ng BSP kung sa mga susunod na buwan ay magtataas na sila ng singil sa mga credit card fees.