-- Advertisements --
Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga security features ng mga local na digital payment platforms.
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, na kahit satisfactory ang security features ng mga digital payment platforms ay dapat maging vigilant na ang mga users nito.
Isa na dito ay ang hindi basta-basta pagbibigay ng kanilang One-Time-Passwords para hindi makompromiso ang kanilang huling level ng protection.
Paglilinaw nito na ang naganap na glitch noon ng GCASH ay isang uri ng phishing at hindi hacking kung saan nangako ang kumpanya na kanilang babayaran na lamang ang mga nawalang pera ng kanilang kustomers dahil sa insidente.