-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Banco de Oro (BDO) at Union Bank of the Philippines (UBP) kasunod nang reklamo na kanilang natanggap mula sa social media hinggil sa umano’y hacking sa accounts ng kanilang mga kliyente.

Ayon sa BSP, sa mga nakalipas na araw ay masugid nilang binabantayan ang mga reklamong ito.

“We are in close coordination with BDO as well as UBP on this incident to ensure that remedial measures are being undertaken, including reimbursement of affected consumers,” saad ng BSP.

Sa isang Twitter post, sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na gagawin nila ang lahat ng kanilang magagawa para matiyak ang kaligtasan at integrity ng financial system sa bansa pati na rin ang pagbigay nang proteksyon sa financial consumers.