-- Advertisements --

Muling naglabas ng paalala ang Bangko Sentral sa Pilipinas (BSP) sa publiko na maging mapanuri sa mga perang natatanggap.

Ito ay kasunod na dumating sa kanilang kaaalman ang paglaganap ng mga pekeng P1,000 na pera.

Sinabi ng BSP na dapat ipairal ang “Feel-Look-Tilt” method sa pag-inspect ng mga security features ng polymer banknotes.

Magugunitang noong nakaraang taon ng pormal na ilunsad ng BSP ang polymer na P1,000 bill na mahirap na umano itong pekehin.

Nanawagan ang BSP rin an agad na isumbong sa mga otoridad kapag may kilala ang mga ito na nagpapakalat ng mga pekeng pera.