Nakahanda ang Bangko Sentral ng Pilipinas na itaas ang interest rate ng 50-basis points sa kanilang pagpupulong sa Agosto 18.
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, habang tumataas ang inflation at habang ang piso ay lalong humihina.
Ang central bank ay nagdaraos ng mga policy meetings tuwing 6 na linggo at itinataas ang benchmark rate ng 25-basis point kung kinakailangan, na naka-angkla sa inflation.
Idinagdag pa ni Medalla, na kapag kailangan nila dahil sa inflation, karaniwan nilang itinataas ang kanilang policy rate.
Itinaas ng BSP ang key policy rate sa kabuuang 50-basis points ngayong taon, na nagdala sa interest rate sa 2.5 percent sa isang bid upang mapaamo ang inflation.
Bumilis ang inflation sa 6.1 percent noong Hunyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin.
Bagama’t nasa loob ito ng forecast ng BSP na 5.7 hanggang 6.5 porsiyento, nanatili itong higit sa target ng gobyerno na 2 hanggang 4 na porsiyento.