-- Advertisements --

Patuloy na hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga mamamayan na magbigay na lamang ng digital na aginaldo sa mga inaanak o mahal sa buhay ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Tuwing panahon kasi ng Kapaskuhan ay nagkakaubusan ang mga bago o malutong ng pera dahil ito ay kadalasang ibinibigay ng mga mamamayan sa kanilang inaanak.

Dahil sa nasabing suliranin ay naisipan ng BSP na isulong na lamang na ang pagbibigay ng electronic-aginaldo.

Aabot sa mahigit 324 milyon na e-money accounts na ang naitala ng BSP sa bansa nitong nakaraang Setyembre.