-- Advertisements --
Hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang ilang bangko na gawing libre na ang mga maliliit na transaction sa mga bangko.
Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona na mayroong tatlong bangko lamang sa bansa ang hindi naniningil ng mga transfer fees kapag hindi tataas pa sa P1,000 ang transactions.
Isusulong din aniya nito ang pagkakaroon ng transparency sa mga sinisingil ng mga bangko.
Umaasa ito na sa tulong ng Bankers Association of the Philippines (BAP) ay magkaroon ng payment frameworks para matugunan ang nasabing mga usapin.