-- Advertisements --

Nagbigay ang pamahalaan ng Brunei Darusalam ng COVID-19 test kits sa Pilipinas.

Aabot sa 20 units ng COVID-19 test kits para sa 1,000 sample testings ang pinadala sa Pilipinas ng Ministry of Health ng Brunei.

Mismong sina Bruneian Ambassador to the Philippines Johariah Wahab at Third Secretary Normasdianah Hassim ang nag-abot ng test kits kay Health Sec. Francisco Duque III noong Abril 8.

Kaagad namang pinadala sa Research Institute for Tropical Medicine ang mga binigay na test kits ng Brunei.