-- Advertisements --

Dumaong na sa Gitnang Silangan ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na magre-rescue at magu-uwi sa mga Pinoy workers na nais ng umuwi ng bansa dahil sa tensyon sa rehiyon.

Ito ang kinumpirma ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nagsabing bukas ay posibleng nasa bahagi na ito ng Jeddah, Saudi Arabia.

Gagamitin umano ang barko para isakay ang mga overseas Filipino workers mula Iran at Iraq patungong Qatar na magsisilbing assembly point ng mga evacuees.

Mula sa naturang estado, sasakay ng chartered flights ang mga Pinoy para makauwi sa Pilipinas. Posible rin daw na isakay sa barko ang ilan.

Sa panig namang PCG, sinabi ng tanggapan na all set ang BRP Gabriela Silang para ihatid pauwi ng bansa ang mga Pinoy bilang kauna-unahang misyon nito.

Tiniyak ni PCG commandant Vice Admiral Joel Garcia na nakatutok ang kanilang pwersa sa sitwasyon sa Middle East para mailigtas ang mga Pinoy.