Nakarating na sa Siargao Islands ang BRP Ang Pangulo para magbigay ng medical services sa mga mangingisda at komunidad na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette, ayon sa Philippine Navy.
Ang Navy at ang Eastern Mindanao Command nito ay pinadala sa lugar para magbigay ng medical consultations, mga gamot, at supplements sa mga biktima ng Bagyo noong Christmas Eve.
Sa isang statement, sinabi ng Navy na sa ngayon, 36 indibidwal na ang kanilang nabigyan ng libreng medical consultations, mga gamot at supplements, at sa bilang na ito, dalawa ang naka-admit sa ospital pero nakalabas na rin matapos na magamot.
Bukod sa presidential ship, pinadala rin ng Navy ang multi-capable frigate nito na BRP Jose Rizal sa Puerto Princesa, Palawan noong Disyembre 24 para maghatid ng 30,000 kilo ng relief items sa mga sinalanta ng Bagyong Odette.
“The PN, through The Philippine Fleet and Naval Forces West in Palawan, is devoting all of its available resources to provide much-needed logistical and personnel support to assist fellow Filipinos in dealing with Typhoon Odette’s aftermath,” saad ng Navy.