-- Advertisements --
Walang nakikitang problema si Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee na makaharap ang mga naturalized players ng ibang bansa sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Ilan sa mga bansang mayroong naturalized player ang ang Indonesia, at Cambodia.
Sinabi ni Brownlee na isang hamon sa kaniya na makaharap ang ibang naturalized players ng mga bansa.
Pagtitiyak nito na handa ang Gilas Pilipinas na harapin ang sinumang bansang kalahok sa SEA Games.
Magsisimula ang laban ng Gilas Pilipinas kontra sa Malaysia ng alas-2pm ng Martes ng hapon.









