-- Advertisements --

Bumagsak sa drug test na isinagawa ng mga opisyal ng Asian Games si Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee.

Ayon sa Lausanne, Switzerland based international Testing Agency na nagpositibo ang American-born na si Brownlee sa ipinagbabawal na Carboxy-THC.

Ang Caboxy-THC ay iniuugnay sa paggamit umano ng cannabis.

Ang sample ay kinuha ng ITA sa kasagsagan ng Asian Games sa in-competition anti-doping control noong Oktubre 7, 2023.

Ipinaalam na ito kay Brownlee kung saan mayroon itong karapatan na mag-request ng analysis ng B-samples.

Magugunitang tinalo ng Pilipinas ang Jordan 70-60 sa men’s basketball finals noong Oktubre 6 kung saan mayroong 20 points at 10 rebounds si Brownlee.

Bukod pa dito ay nagpositibo rin ang basketball player ng Jordan na si Sami Bzaii sa ipinagbabawal na steroid at ito ay binigyan ng karapatan ng analysis ng B-samples.