-- Advertisements --

Tumipa ng 39 points si Justin Brownlee para dalhin ang Barangay Ginebra sa panalo kontra NorthPort 118-102.

Ito ang unang panalo ng Gins sa best of three quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup sa laro ng ginanap sa PhilSport Arena.

Nagtala rin ng 16 points si Stanley Pringle habang mayroong 13 points si Jamie Malonzo.

Ang nasabing laro ay ispesyal kay LA Tenorio na nagtala ng apat na triple points at mahigitan ang record ni Ronnie Magsanoc mula sa ikaapat na overall all-time list na mayroong 1,174 na kabuuang triple kumpara kay Magsanoc na mayroon lamang 1,171.

-- Advertisement --

Nasayang naman ang naitalang 29 points ni Robert Bolick at 18 points ni Prince Ibeh para sa NorthPort.