Itinakbo sa pagamutan si Bronny James ang anak ni NBA superstar LeBron James matapos ma-cardiac arrest.
Ayon sa tagapagsalita ng pamilya na nangyari ang insidente habang nasa nag-eensayo ito ng basketball sa University of Southern California nitong Lunes.
Nakalabas na ito ng intensive care unit at nasa mabuting kalagayan na ito ngayon.
Humingi ang kampo nito ng paggalang at privacy para sa pamilya ng baskebolista.
Pinasalamatan naman ni Los Angeles Lakers LeBron James at asawa nitong si Savannah ang mga staff ng pagamutan dahil sa pag-asikaso sa anak nila.
Ang 18-anyos na si Bronny ay incoming freshman para sa USC basketball team matapos na ito ay mag-graduate sa Sierra Canyon High School sa LA.
Mayroon siyang rating na four-star recruit at sumikat sa McDonald’s All-American Game noong Marso kasama ang ilang mga magagaling na high school basketball players sa US.