-- Advertisements --
Gagayahini ni Bronny James ang jersey number ng ama nito ng si LeBron sa paglalaro niya sa University of Southern California Trojans team.
Sa social media account ng USC Trojans ay ipinakita ang larawan ni Bronny na nakasuot ng uniform nila na mayroong jersey 6.
Una ng nagsuot siya ng number 0 noong high school career niya na ito ay bilang pagkilala sa kaniyang idolong basketbolista na si Russell Westbrook.
Nagsuot din si Bronny ng number 23 bilang pagkilala sa kaniyang ama.
Magugunitang unang nagsuot si LeBron ng number 6 noong ito ay nasa Miami Heat sa taong 2012 bago bumalik sa number 23 at nagbalik sa number 6 na suot n ngayon sa Los Angeles Lakers.