Darating na sa Manila ang “The Sound of Music” bilang bahagi ng international tour nito, ayon sa pahayag ng GMG Productions.
Gaganapin ito sa Circuit, Makati mula Marso 7 hanggang 26, 2023.
Ipagdiriwang ang ika-65 anibersaryo nito sa darating 2022.
Nag-debut ang “The Sound of Music” sa Broadway noong 1959 at nanalo ng limang Tony awards kabilang ang Best Musical.
Ang 1965 classic na bersyon ng pelikula nito, na pinagbibidahan nina Julie Andrews at Christopher Plummer, ay nanalo ng limang Academy Awards (Oscars), kabilang ang Best Picture at Best Director para kay Robert Wise.
Ani Simone Genatt at Marc Routh, co-founder at producer ng Broadway International Group, “It is a great privilege to bring this cherished Rodgers & Hammerstein musical to Manila, particularly at this time of global recovery.”
Kasama sa cast sina Jill Christine-Wiley bilang Maria Rainer at Trevor Martin bilang Captain von Trapp, sina Daniel Fullerton bilang Rolf, Lauren Kidwell bilang Mother Abbess, Joshua La Force bilang Max, Lauren O’Brien bilang Liesl, at Annie Sherman bilang Elsa.
Tampok sa “The Sound of Music” ang musika ni Richard Rodgers, lyrics ni Oscar Hammerstein II, at libro ni Howard Lindsay at Russel Crouse.
Ang kwento ay umiikot kay Maria na inatasang maging tagapamahala ng mga anak ni Kapitan von Trapp. Lumaki sa isang mahigpit na sambahayan, muling naging masigla ang buhay ng pitong anak nang dalhan sila ni Maria ng musika.
Ang tour, na nagsimula sa Singapore noong Nobyembre, ay gaganapin din sa India, Malaysia, China, Hong Kong, Taiwan at iba pang mga bansa. (with reports from Bombo Kelly Cordero)