lauren griggs 2

Natuldukan na ang halos dalawang taon na pakikipaglaban ng teenage broadway actress na si Lauren Griggs, 13, dahil sa komplikasyon sa kaniyang sakit na asthma,

Halos 1,000 katao ang dumalo sa kaniyang burol na isinagawa sa New York.

Unang pinasok ni Griggs ang mundo ng Broadway sa edad na 6 bilang si Polly sa “Cat on a Hot Tin Roof.” Kasama niya rito na nagtanghal ang aktres na si Scarlett Johansson.

Kasunod nito ay mapalad na nakasama ang aktres sa cast ng Tony award-winning musical “Once” noong 2013.

Ayon sa ama ng aktres, sa kabila raw ng pagiging busy nito sa kaniyang career ay regular pa rin itong nagpapa-medical checkup.

Kaagad na itinakbo ang 13-anyos na aktres sa Mount Sinai Hospital matapos itong atakihin ng kaniyang sakit kung saan idineklara itong patay dahil sa cardiac arrest.

“I think everybody did everything they could. It just comes so suddenly,” saad ng ama ni Laurel.