Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Region 3 at ng Philippine Drug Enfrocement Agency (PDEA) ang isang British national sa tahanan nito sa Subic, Zambales, bago mag-alas-3:00 kaninang madaling araw.

Kinilala ni PDEA spokesperson Derrick Carreon ang Briton na suspek na si Simon Steward McLawrence Watson, 44-anyos, at ang kinakasama nitong Pinay na si Rizza Fernandez, 28-anyos, residente ng Barangay Magdalena sa nasabing bayan.

Nasabat mula sa bahay ng mga naaresto ang tinatayang 70 Kush na isang mataas na uri ng marijuana, gayundin ang ilang laboratory equipment.

Dahil dito, nagsasagawa ng imbentaryo ang mga otoridad sa mga nasamsam na ebidensya habang patong-patong na kaso ang kakaharapin ng mga nadakip.

Paglabag sa Republic Act 9165 ang kasong isasampa laban sa mga suspeks.o ng PDEA