-- Advertisements --
Hindi pa tiyak ni US Open Champion Emma Raducanu kung makakapaglaro pa ito sa Wimbledon.
Ito ay matapos na magtamo siya ng matinding injury sa WTA 250 event sa Nottingham, England.
Napilitang tumigil ang 19-anyos na British player sa laban niya kay Viktorija Golubic ng Switzerland matapos ang injury.
HIndi aniya nito maipaliwanag ang kirot na naramdaman sa gilid ng kaniyang katawan na maaring tumama sa kaniyang rib.
Magsisimula ang grass court major na Wimbledon sa darating na Hunyo 27 kung saan hindi pa tiyak ni Raducanu kung makakasali ito.