-- Advertisements --
Balik ensayo na si British tennis star Emma Raducanu matapos ang injury.
Noong Mayo kasi ay inanunsiyo ng 20-anyos na hindi ito makakapaglaro ng ilang buwan dahil sa operasyon sa kaniyang wrist at ankle.
Dahil sa injury kasi ay hindi na siya nakasama sa French Open at Wimbledon noong nakaraang mga buwan.
Sa social media account nito ay nagpsot siya ng video habang nag-eensayo sa National Tennis Center sa west London.
Mula ng magkampeon siya sa US Open noong 2021 ay dinapuan na siya ng iba’t-ibang injury at nakaranas na rin ng pressure sa paglalaro.
HInd pa tiyak kung anong torneo ang sasalihan niyang susunod dahil sa hindi ito nagpalista sa US Open ang final grand slam ng season na magsisimula sa huling linggo ng Agosto.