-- Advertisements --
Boris Johnson
Boris Johnson/ IG post

Inilipat na sa recovery room mula sa intensive care unit (ICU) si British Prime Minister Boris Johnson.

Ito ay matapos ang ilang araw na pananatili sa ICU dahil sa coronavirus infection.

Sinabi ng tagapagsalita ng kaniyang opisina na patuloy pa rin itong inoobserbahan ng kaniyang doctor.

Bumubuti na rin ang kalagayan ng kalusugan nito.

Magugunitang nitong Lunes ay itinakbo sa ICU si Johnson matapos na hindi pa rin humupa ang sintomas ng coronavirus.