-- Advertisements --

Nagbigay ng abiso ang Philippine Embasy in Italy sa mga Pilipino na maging mas maingat at huwag magtungo sa mga lugar na may nagsasagawa ng demonstrasyon.

Sa inilabas na advisory ng Embahada, inaasahan na magkakaroon ng mga demonstrasyon sa Rome, Milan, Florence, Turin, Bologma, Padua, Bari, Gerona sa araw ng Sabado, Oktubre 24. Inaasahan din ang iba’t-ibang protesta at mga pagmartsa sa Rome.

Pinayuhan naman ng Embassy ang mga Pilipino na huwag makilahok sa kahit ano mang protest activities.

Umiwas din sa malalaking pagtitipon. Hangga’t maaari ay huwag munang bumiyahe sa mga lugar kung saan kasalukuyang may kilos-protesta lalong-lalo na sa mismong araw ng demonstrasyon at public disturbance.

Pinayuhan din ng embahada na sumunod sa ilang mga panuntunnan ng Italian authorities, at palaging magdala ng mga importanteng identification documents at emergency contact details.

Sinabi rin ng Embahada na maging kalmado, at iprayoridad ang sariling kaligtasan at maging ng kanilang pamilya sa mga lugar na nabanggit na magsasagawa ng demonstrasyon. Inabisuhan din ng Philippine Embassy na tiyaking may sapat na supply ng pagkain, inuming tubig, gamot, at ibang kinakailangan sa tahanan kung sakali man na maapektuhan ang pag-access sa mga pangunahing serbisyo.

Ang kabilaang demonstrasyon ay matatandaang nagresulta ng pagkasira ng ari-arian at panloloob sa ilang kilalang pamilihan.

Nag-ugat ang kabilaang mga kilos-protesta na inorganisa ng Piazza movement at Piazza Duomo sa Milan noong Oktubre 17, na sinundan ng mga kilos-ptotesta sa France at Spain dahil sa rising cost of living, low wages, high rents, at public service shortcomings.