LA UNION – Nagluluksa ang buong industriya ng showbiz sa pagkawala ng pinakamamahal na entertainer na si Joe Longthorne sa kanyang bahay sa Blackpool, London.
Base sa social media account nito, namatay si Joe sa balikat ng kanyang pinakamamahal na asawa sa loob ng 21 years na si Jaime. Naiwan naman nito ang kanyang ate Ann at kuya John.
Una itong nakilala bilang isang binatilyo sa Yorkshire Television’s series “Junior Showtime” ngunit siya ay inilunsad sa isipan ng publiko sa “Search For A Star” noong 1981 at lumabas bilang singer at impressionist.
Ang tagumpay nito sa show ay nagbukas sa kanyang pintuan upang makarating sa London Palladium at month-long season sa London’s Talk of the Town, gayundin ay naitampok siya sa “Live from the Palladium” and “Des O’Connor Tonight”.
Nakapaglabas din ito ng tatlong platinum albums para sa Telstar, ang “The Joe Longthorne Songbook”, “Especially For You” at “The Joe Longthorne Christmas Album”.
Nakilala rin ito sa panggagaya kina Dame Shirley Bassey, Frank Sinatra, Barry Manilow at Johnny Mathis.
Taon 1987 nang ma-diagnose ito ng blood cancer at 1989 para sa chronic lymphatic lymphoma kung saan sumailalim ito sa gamutan. Noong 2005 ang lymphoma nito ay naging leukemia kaya sumailalim ito sa bone marrow transplant ngunit na-diagnosed naman siya ng doktor noong 2014 ng throat cancer.