-- Advertisements --

Sugatan ang British author na si Salman Rushdie matapos na ito ay saksakin habang nasa New York.

Ayon sa New York state police, dumalo sa isang charity event si Rushdie sa Chautauqua Institution sa Western New York ng biglang sumulpot ang suspek mula sa audience at saka siya ay sinaksak.

Dinala kaagad sa pagamutan ang British author lulan ng helicopter habang ang suspek ay naaresto ng ito ay magtangkang tumakas.

Kasalukuyang nagpapagaling na si Rushdie sa isang pagamutan.

Nagtago si Rushdie ng ilang dekada matapos na makatanggap ng banta sa buhay buhat ng ilathala nito ang kaniyang libro na “The Stanic Verses” noong 1988.

Ikinagalit ng ilang mga Muslims ang libro dahil ito umano ay naglalaman ng kalapastanganan ng kanilang relihiyon kung saan nanawagan pa noon ang namayapang Iranian leader Ayatollah Ruhollah Khomeini na dapat ay bitayin si Rushdie dahil sa libro nito.

Nag-alok pa ito ng $3 milyon para sa kamatayan nito.

Bagamat dumistansya ang gobyerno ng Iran subalit naniniwala ang mga mamamayan nila na ang kautusan ng kanilang lider ay epektibo pa rin.