ILOILO CITY – Sinaluduhan at pinuri ni British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils ang lungsod ng Iloilo matapos naabot na ng lungsod ang 92.11 percent na vaccination rate na mas mataas kaysa sa National Capital Region (NCR).
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Beaufils, sinabi nito na impresibo ang ginagawang hakbang ng Iloilo City Government upang labanan ang nagpapatuloy na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa UK envoy, kahanga-hanga rin ang Green Credentials ng lungsod dahil sa patuloy na pagtatanim ng mangroves upang ma-protektahan ang kalikasan.
Dagdag nito, mataas din ang level of transparency ng gobyerno sa lungsod.
Napag-alaman na kasama ang multi-sectoral stakeholders, tinalakay ng Iloilo City Government at ni Beufils ang posibilidad ng partnership sa health, mental well-being, edukasyon at technical skills development para sa mga residente ng Iloilo City.
Samantala, game naman na nag-Basta Radyo, Bombo! ang British Ambassador.