-- Advertisements --

Nanawagan si Education Secretary Leonor Briones sa mga mambabatas na higpitan ang regulasyon sa paninigarilyo sa bansa upang sa gayon ay maprotektahan pa lalo ang mga estudyante laban dito.

Bagama’t nanatili namang smoke-free ang mga paaralan sa bansa, sinabi ni Briones na hindi pa rin ligtas sa tuksyo ng paninigarilyo ang mga kabataan lalo na kapag nasa labas na sila.

Iginiit ni Briones na ngayon ang pinaka-strategic na panahon para maipasa ang mga panukalang batas para rito dahil na rin sa suportang ipinapakita ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pag-control sa paggamit ng sigarilyo sa bansa.

Nakasalalay kasi aniya rito ang kinabukasan ng mga kabataan lalo pa at ayon sa World Health Organization ang naturang sektor ang siyang target ng tobacco industry bilang kanilang consumer sa susunod na henerasyon.