-- Advertisements --
Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang reklamong bribery laban kay dating senador Leila de Lima at dating bodyguard nito na si Ronnie Dayan.
Ang kaso ay nagbunsod sa reklamo ni self-cofessed drug lord na si Kerwin Espinosa kung saan nagbigay umano ito ng P8 milyon na suhol sa dating senador.
Inilabas ang desisyon noon pang Enero 5 pero ngayon lamang natanggap ng kampo ng dating senador.
Ayon sa Ombudsman na dahil sa kawalan ng probable cause at pabago-bago ang mga pahayag ng nag-aakusa sa dating senador.
Ang nasabing halaga umano ay ginamit ng senador para sa kaniyang pagtakbo sa halalan noong 2016.
Una na ring pinabulaanan ng kampo ni de Lima at Dayan ang nasabing alegasyon.