-- Advertisements --

Simula bukas, May 11 isasailalim sa tatlong araw na total lockdown ang Brgy. Mauway sa Mandaluyong City.

Batay sa inilabas na Executive Order No. 16 ng barangay, simula alas-12:00 ng hatinggabi ng Lunes hanggang 11:59pm ng May 13, Miyerkules ay naka-total lockdown ang lugar.

Sa ilalim ng kautusan, tanging mga health care workers, mga empleyado ng essential establishments tulad ng bangko, grocery at drug stores lang ang pahihintulutan lumabas ng barangay.

Hindi rin daw sakop ng total lockdown ang iba pang frontliners, government officials and employees, pati na mga itinuturing na authorized persons.

Kasabay ng mahigpit na lockdown ng barangay, kikilos ang City Health Office para isailalim sa rapid test ang higit 1,000 residente ng lugar.

Sa kasalukuyan, may 466 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City. Ang 129 sa mga ito ay gumaling, samantalang 37 ang namatay.

Bukod sa rapid test, mamamahagi rin daw ang local government unit ng food packs sa mga residente habang lockdown.